37

By ,

Angas ni Mangahas, sasandalan ng Muntinlupa Cagers

Sharing is caring!

Mga Laro sa Martes

(Imus Sports Complex)

7 p.m – Muntinlupa vs. Bacoor

9 p.m – Imus vs. Cebu

Balik-Luzon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup matapos ang matagumpay nitong pagtatanghal sa Mindanao at ang bakbakang Imus Bandera-GLC Truck and Equipment vs Cebu Sharks-Casino Ethyl Alcohol ang masasaksihan.

Alas-nuwebe ng gabi ang bakbakan ng dalawang tropa matapos ang laro sa pagitan ng Muntinlupa Cagers-Angelis Resort at Bacoor Strikers bandang alas-siyete ng gabi ngayong Martes.

Ang Muntinlupa ang natatanging tropa sa liga na wala pang talo at puntirya nila ngayon na masungkit ang kanilang ikaanim na panalo kontra sa Strikers na bitbit ang 4-3 na baraha.

Naging maangas si Allan Mangahas para sa Cagers dahil sa magandang laro na pinakita nito noong huling laban nito kontra sa San Juan Knights at tumapos ito ng 21 puntos, limang assists at apat na rebounds.

Mas magiging kaabang-abang ang laban dahil makakatapat ni Mangahas ang dating professional player na si Mikee Reyes, na pangunahing guwardiya ng Strikers.

Sa main game, puntirya ng Bandera na mapagpatuloy ang kanilang pag-angat sa team standing ng liga sa oras na makaharap nito ang Sharks.

Mula ng palitan ni coach Mike Orquilllas si PBA Legend Jerry Codinera sa pangunguna sa Bandera, nakasikwat agad ng dalawang sunod na panalo ang tropa sa tulong ng trio nitong sina Ian Melencio, James Castro at Genmar Bragais.

Sa huling laban ng Bandera kontra Valenzuela Classic-CDO Idol Cheesedog, naging alas nila si Bragais na kumubra ng 20 puntos at siya kasama sina Melencio at Castro ang magiging bala ng tropa kontra Cebu, na patuloy ang pagligwak sa 1-6 na karta at natalo sa huling dalawang laban nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?