By

Angas ni Lee sa Game 2 isusustena

Sharing is caring!

Nagkatotoo ang inaabangan ni NLEX coach Yeng Guiao, pumutok nga si Paul Lee sa Game 2 para akayin ang Magnolia Pambansang Manok sa pambawing 99-84 panalo sa MOA Arena kagabi.

Tumabo si Lee ng 27 points mula sa 9 of 19 field goal shooting, 4 of 9 mula sa 3-pointers.

“I hope ma-sustain ni Paul ‘yung ganyang atake,” pahayag ni Hotshots coach Chito Victolero.

Itinabla ng Magnolia ang best-of-seven series sa tig-isang laro, magbabasagan ang dalawang teams sa Game 3 ngayo, Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Suot ng Hotshots ang jersey na may number 15 para kay Marc Pingris na inabot ng knee injury sa 88-87 loss sa opener.

Wala din sa Magnolia si Justin Melton na may hamstring injury, hindi pa 100 percent si Marc Barroca pero naglaro.

“Every now and then nagte-text si Ping, gawin itong larong ito para sa buong team,” dagdag ni Victolero. “One of my best post defender, and one of my best perimeter player nawala.”

Mula sa 70-62 lead pagkatapos ng three, kumalas ang Magnolia sa fourth 80-64 nang pumutok din si PJ Simon.

Umayuda ng 18 points at eight rebounds si Ian Sangalang sa Hotshots, tumapos ng 11 si Barroca.

Nalimitahan ng Magnolia si Kiefer Ravena sa 9 points, may pinagsamang 16 points lang sina Larry Fonacier, Cyrus Baguio at Kevin Alas sa NLEX.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?