51

Sep 27, 2019 @ 9:40
By

Angas ni Bolick tumaas pa dahil sa World Cup

Level-up si Robert Bolick pagbalik sa PBA mula sa pangangampanya sa World Cup.

Lahat ng natutunan niya sa FIBA tournament sa China, dinala niya.

Kita ‘yun sa unang laro sa Governor’s Cup nang magsalansan si Bolick ng 20 points mula sa 7 of 15 shooting, may 4 rebounds at 5 assists sa kulang 33 minutes para tulungan ang NorthPort sa 99-94 win laban sa Rain or Shine sa nakalipas na Biyernes, Setyembre 21.

“I just play my game,” ani Bolick. “’Yung mga nakukuha ko sa teammates ko, saka sa mga nakalaban ko (sa World Cup), inaaral ko lang. ina-adapt ko lang sa game ko. Ganu’n lang.”

May miscues din si Bolick kontra Elasto Painters, pero balewala na ‘yun sa kanyang coach.

“Basta importante, nandiyan siya, tumulong siya sa team. Alam naman niya, team na niya ito, eh,” ani coach Pido Jarencio.

Sa nightcap mamaya sa Smart Araneta Coliseum, papagitna si Bolick at ang Batang Pier para sundan ang unang panalo laban naman sa defending champion Magnolia na galing sa 98-92 loss sa Meralco.

Kontra E-Painters ay nakatapat ni Bolick si Gilas team captain Gabe Norwood. Mamaya ay mga araw-araw niya rin nakasama sa national team ang makakabangga.

“Next game naman, andu’n naman sina Paul (Lee) saka si Mark (Barroca). Dami ko natutunan sa dalawang ‘yun,” aniya. “Napakasarap naman sila mga unang makakalaban ko (sa PBA).”

May mensahe pa siya sa mga kuya:

“Mga ginagawa nila sa akin sa praktis, try ko gawin sa kanila ‘yung mga tinuturo nila. Kasi napakagaling nila. Dami ko matutunan talaga. ‘Pag nakikita ko sila sa praktis, lahat ng players sa Gilas, nanonood-nood lang ako tapos kopya-kopya ng konti.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?