76

May 5, 2021 @ 15:56
By

Angas ng portrait! Clarkson gustong magpa-tattoo sa Pinoy

Napansin ni Jordan Clarkson ang obra ng tattoo artist na si Jack Brizuela kung saan binurda nito ang portrait ng Utah Jazz star.

Sa Facebook post ni Brizuela, binida niya ang kanyang tattoo kung saan kuhang-kuha nito ang mukha ni Clarkson.

Hindi nagtagal ay ini-story ito mismo ng leading Sixth Man of the Year candidate sa Instagram, at nag-message pa sa Pinoy tattoo artist.

Binahagi ni Brizuela ang message ni Clarkson kung saan sinabi ng Fil-Am guard na kung pupunta siya sa Pilipinas ay magpapa-tattoo siya sa Pinoy.

matutulog na talaga ako 🔥🔥

Posted by Jack Brizuela on Tuesday, May 4, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?