187

Oct 27, 2020 @ 18:40
By

Angas! Madali lang pala basketball moves mo – Alyssa kay Kiefer

Kakaiba ang naging birthday greeting ni Alyssa Valdez sa kanyang longtime partner na si Kiefer Ravena.

Sa tweet ni Aly, ginaya nito ang ilang pangmalakasang moves ng NLEX superstar sa loob ng court.

May matching na jersey pa si Alyssa para kamukha talaga ang bawat galaw ni Kiefer.

“In fairness sa mga moves mo, madali lang pala,” alaska ni Alyssa.

Syempre ay bumawi din ito ng sweet message para kay Ravena.

“You’ve taught me that tough times don’t last; tough people do. Laban lang, I got you. Happiest birthday, love,” saad pa ni Aly.

Pinagdiwang ni Kiefer ang kanyang ika-27 birthday nitong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?