79

By

Angara, Villanueva, Senate Defenders nais ang back-to-back sa UNTV Cup

Magbubukas na sa Lunes ang ika-pitong edisyon ng UNTV Cup, ang basketball tournament para sa mga kawani ng pamahalaan, sa Smart Araneta Coliseum, at umaasa ang Senate Defenders na makasikwat ng back-to-back titles.

Winalis ng Defenders ang best-of-three finals nila kontra Malacañang Kamao noong Marso para makuha ang kanilang unang kampeonato sa tulong nina Jeff Sanders, Marlon Legaspi, Harley Ng at senador Sonny Angara at Joel Villanueva.

Dalawang beses nang nakasikwat ang Armed Forces of the Philippines at Judiciary ng kampeonato sa liga at nais din masikwat ng Senate na masundan ito kaya naman maaga pa lang ay naghahanda na sila

“We want to make a little history in the league so we prepared early for the tournament. Hopefully, nobody gets hurt as we go for back-to-back,” saad ni coach Mike Fermin.

Nasayang ang pagkakataon ng Senate ang ‘double’ bid nila noong Executive Face-Off dahil na rin sa injuries na ininda ng ilan nilang key players.

“We prepared hard because we know everybody is after us,” dagdag ni Fermin.

Makakasama rin sa torneo ang National Housing Authority, Ombudsman, GSIS, Department of Justice at Department of Agriculture at gaya ng nakaraang taon, ang kampeon ay makakatanggap P4 na milyon at P2 milyon ang runner-up na mapupunta sa mga napili nilang charities.

“We want to instill to our public servants the essence of physical fitness that’s why we are holding this tournament. This event will also give them the opportunity to interact with their fellow public servants,” saad ni UNTV president at CEO Daniel Razon.

Ilan sa mga inaabang manlalaro sa liga ay sina Special Assistant to the President Bong Go ng Malacañang, DTI Undersecretary Dave Almarinez ng PITC, Supreme Court Administrator Midas Marquez, dating Letran star Boyet Bautista ng AFP at dating University of the East player Ollan Omiping ng PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?