25

By

Angara sa validity extension ng 2019 budget: Maipapasa natin ‘yan

May sapat umanong panahon ang Kongreso sa kanilang legislative calendar para maipasa ang panukala at mapalawig ang validity ng ilang item ng 2019 national budget.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, hindi na kailangan pang magsagawa ng pagdinig sa Senate Bill 1152 na inihain niya noong Nobyembre 6 at ipiprisenta na lang ang committee report sa plenaryo para sa approval nito.

Kasalukuyang nagdedebate ang Senado para sa panukalang P4.1 trilyon national budget subalit tiniyak ni Angara na gagawa sila ng paraan para matalakay ang nasabing panukala.

“There’s a lot of time. I don’t think there’s a reason to worry because we have about seven to eight weeks before the end of the year. Maipapasa natin ‘yan whether it’s a bill or a resolution,” ani Angara.

Bago umakto ang Senado sa naturang panukala, kailangan munang hintayin ang Kamara sa pag-apruba ng kanilang sariling bersiyon ng panukala.

Nitong nagdaang linggo dapat sana’y inisponsoran ni Angara ang Senate Joint Resolution No. 9 para sa pag-extend ng validity ng capital outlay at maintenance and other operating expenditures ng 2019 national budget subalit naudlot ito.

Samantala, sa gitna ng desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng Ang Nars party-list patungkol sa adjustment ng salary grade para sa entry level na mga nurse, pinaliwanag ni Angara na mahalagang maihain ang panukala para sa extension ng validty ng 2019 national budget kapalit ng resolusyon.

“That’s because the Supreme Court has a decision, na hindi pa nilalabas ‘yung text, na a joint resolution cannot amend a law. So medyo taliwas ‘yun sa dating practice ng Kongreso na basta ‘yung joint resolution dumaan ng three readings, pwede niya amyendahan ‘yung batas, it has the force of law,” ani Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?