215

Mar 1, 2020 @ 16:39
By

Angara sa gobyerno: Mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus, tulungan

Ngayong mahigit sa 300 kawani ng Philippine Airlines (PAL) ang nawalan ng trabaho, hindi umano dapat magpakakampante ang gobyerno sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa, ayon kay Sonny Angara.

“We have been spared from death caused by COVID-19 but sadly the pandemic has taken away the jobs of 300 hardworking men and women of our country’s flag carrier,” sabi ni Angara.

“There is no end in sight yet and more countries are implementing drastic measures to keep their citizen safe, including our own. Our authorities should prepare for the worst and insulate, not only our people from the virus, but also our industries from being downed by COVID-19,” dagdag nito.

Bilang unang hakbang, sinabi ni Angara na dapat magsagawa ang Department of Labor and Employment ng survey sa lahat ng kumpanya na nagbabawas ng empleyado dahil sa paghina ng kanilang economic activity dahil sa COVID-19.

Hindi naman aniya lahat ng kompanya ay kasing laki ng PAL na makakabayad ng separation package sa maapektuhang manggagawa.

“Para sa mga kababayan natin na nawalan na ng hanapbuhay dahil sa pagkalugi ng kanilang kumpanya o sector, may mga tulong pinansyal na nakaloob sa ating DOLE na pwedeng gamiting pantawid habang wala pang nahahanap na kapalit na trabaho,” ani Angara.

Sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act, naglaan ang DOLE ng P112.62 milyon pa sa kanilang Adjustment Measures Program at P6.8 bilyon naman sa kanilang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers or TUPAD.

“Ang mga programang ito ay nagbibigay ng pansamantalang tulong lamang. Mas mahalaga na magkaroon tayo ng mas marami pang mga industriya sa bawat rehiyon, bayan o komunidad na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng trabaho sa ating kababayan at tutulong sa pag unlad ng ekonomiya,” ani Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?