31

Jun 3, 2022 @ 20:24
By

Angara proud Celtics fan

Ipinagmalaki ni Senador Sonny Angara na isa siya sa mga fan ng Boston Celtics.

Sa kanyang Instagram, flinex ng senador ang green shirt at beige cap ng kanyang koponan.

“Ready for the Finals against the great Warriors team of Steph n co. Should be a good series. Who u got?” saad ni Angara.

Nitong Biyernes, naitakbo ng Celtics ang Game 1 victory sa NBA Finals matapos magpakawala ng 17-0 run sa fourth quarter laban sa Golden State Warriors.

Nakuha nila ang home-court advantage sa 120-108 panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?