46
Angara: Para magkaroon ng world-class athletes, batang may potensiyal sanayin na
By

Angara: Para magkaroon ng world-class athletes, batang may potensiyal sanayin na

Dapat umanong sanayin na sa murang edad ang mga batang may potensiyal na maging mahusay na atleta para makapag-produce ng world-class athletes.

Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara kaya’t inihain niya ang Senate Bill 330 na naglalayong magtayo ng Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na tututok sa paghubog ng mga batang atleta kasabay ng pagbibigay ng de-kalidad ng secondary education.

“Hindi tayo magkakaroon ng mga gold medalists sa Olympics at wala din tayo pag-asa na magkaroon ng Pinoy sa mga premyadong liga tulad ng NBA at MLB kung hindi natin seseryosohin ang pag-train sa ating mga atleta,” ani Angara.

“We are all waiting for the day when we will be able to watch more of our homegrown athletes competing at the world stage and seeing them bring home glory for the country,” dagdag nito.

Inihain ni Angara ang panukala kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address na kanyang sinusuportahan ang pagtatag ng national academy for sports para sa mga estudyante sa high school.

Sabi ng senador, ang pagtatayo ng PHSS ay makakatulong sa bansa para makaipon ng mas maraming atleta para sa national team.

Noong 17th Congress, itinulak ni Angara ang pag-apruba sa Republic Act 11214 o pagbubuo ng hilippine Sports Training Center sa bansa.

Sa ilalim ng supervision ng Philippine Sports Commission (PSC), dapat magkaroon ang PSTC ng training facility para sa Olympic sports at iba pang sports activities.

“Unlike PSTVC, the proposed PHSS will provide student athletes with the same quality education as regular high schools but with special emphasis on developing athletic skills of the students through subjects pertaining to physical education and sports development,” paliwanag ni Angara.

Magiging basehan sa pagpasok sa PHSS ang tryout at iba pang pagsusulit na pamamahalaan ng board of trustees ng bawat paaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?