17

Sep 26, 2020 @ 16:11
By

Angara nakabawi sa pustahan, anak sinama sa push-up

Tuloy-tuloy ang pustahan ni Senador Sonny Angara at kanyang anak para sa serye ng Boston Celtics at Miami Heat.

Nitong Sabado, nanalo ang pambato ni Angara na Celtics, 121-108, at naipwersa ang Game 6 kontra Florida-based squad.

Kaya naman naki-push-up din ang kanyang binata dahil sa kanilang pustahan.

“Stayin Alive! Heat win game 4 Celtics take Game 5 to stay alive! Pushup kami parehas,” sey ni Angara.

Muling magtutuos ang dalawang koponan sa Lunes, alas-7:30 ng umaga kung saan may tsansang makatungtong ang Heat ng Finals at pipiliting mapigilan ito ng Celtics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?