19

Jul 2, 2020 @ 17:06
By

Angara naglunsad ng website para sa plasma donation

Naglunsad ng website si Senador Sonny Angara kaagapay ang Bacolod-based web developer na Talking Myna kung saan maaaring magrehistro ang mga COVID-19 survivor para makapag-donate ng kanilang blood plasma.

Hinikayat ni Angara, na isa ring COVID-19 survivor, ang mga pasyenteng gumaling sa virus na mag-donate ng kanilang plasma sa pamamagitan ng pagrehistro sa mga collecting hospital sa http://PlasmaNgPagasa.com.

Sa pamamagitan ng convalescent plasma transfusion, maipapasa ng mga COVID-19 survivor ang kanilang antibodies sa mga pasyenteng malala ang kondisyon.

“It’s time COVID-19 survivors pay it forward! My office, with help from Bacolod-based web developer Talking Myna, developed #PlasmaNgPagasa, a one-stop-shop website where COVID-19 survivors can privately register with collecting hospitals their intent to donate convalescent plasma,” post ni Angara sa Facebook.

Kasalukuyang kabalikat ng opisina ng senador ang Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, at St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City at Quezon City.

Kasabay nito, muling nag-donate ni Angara ng kanyang blood plasma nitong Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?