41

May 28, 2020 @ 16:39
By

Angara nabahala! Ininom na gamot vs COVID, pinagbawal sa France

May unting kaba na nararamdaman ngayon si Senador Sonny Angara matapos malaman na pinatigil sa France ang paggamit ng gamot na pinainom sa kanya matapos tamaan ng COVID-19.

“Slight concern ‘coz this is what I was given in the hospital,” ayon sa tweet ng mambabatas.

March 26 nang magpositibo si Angara sa naturang sakit, makalipas ang 10 araw ay inanunsyo nito na siya’y magaling na sa COVID-19.

Ngunit noong May 2 kung kailang dapat siya ay magdo-donate ng plasma ay lumabas sa resulta sa swab test ni Angara na siya’y positibo muli sa virus, ngunit nilinaw ng Department of Health na posibleng remnant lang ng virus ang nakita sa mambabatas at hindi na ito makakahawa.

Sa France naman, pinagbawal ang paggamit ng hydroxychloroquine dahil lumabas sa pag-aaral ng mga dalubhasa na hindi umano ito nakakagaling ng COVID-19, gayundin ang pagbibigay umano nito ng komplikasyon sa isang pasyente tulad ng pagkakaroon ng problema sa puso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?