386

By

Angara na-bad trip kay Lapeña: Pinapahiya mo ko!

Sharing is caring!

Kinompronta ni Senador Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña dahil sa umano’y pambabastos nito.

Ikinagalit ni Angara ang pagpapatulong ni Lapeña sa mga senador para maibalik ang P4.861 bilyon na tinapyas ng Senate Committee on Finance sa panukalang badyet nito para sa 2018 dahil sa mababa nitong obligation rate.

Sinabi ni Angara na siya dapat ang direktang kinausap ni Lapeña dahil siya ang nagdedepensa ng badyet nito bilang isa sa mga vice chairman ng Senate Committee on Finance.

Isa sa mga nilapitan ni Lapeña si Senador Panfilo Lacson na nagrekumendang ibalik ang tinapyas na badyet ng TESDA para maibalik sa P14.676 bilyon.

Ikinatwiran ni Lacson na mababa ang obligation rate o hindi masyadong nagamit ng TESDA ang badyet nito noong nakaraang taon dahil Setyembre 2017 na iyon naibigay.

Sa plenary debates, sinabi ni Angara na aprub siya rito pero dapat sana ay iginalang siya ni Lapeña at siya ang unang kinausap bago ang ibang senador.

“We’re open to that. Ang sa akin lang po, ‘yung bagong TESDA Director (General), lahat ng senador kinakausap niya pero ako ang sponsor hindi niya kinakausap. I think there is a courtesy issue there. Nilapitan niya ang ibang senador pero kami po hindi naman niya kami kinakausap,” ani Angara.

Nung mag-recess ang sesyon, kinompronta at tinaasan ni Angara ng boses si Lapeña.

“Ipinapahiya mo ako rito, pambihira naman. Hindi mo ako kinausap. Bakit ka naming tutulungan kung ganyan ka,” sabi ni Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?