27

Apr 6, 2020 @ 15:45
By

Angara gumaling na sa COVID-19

Ligtas na si Senador Sonny Angara sa COVID-19 nitong Lunes.

Ayon sa pahayag ng mambabatas, pinauwi na siya ng kanyang mga doktor matapos na magnegatibo na sa virus.

“After several days in the ER and the COVID wing, my doctors finally sent me home today — negative for the virus and pneumonia free,” saad ni Angara.

Matatandaan na si Angara ang ikatlong Senador na nagpositibo sa virus, kasunod nina Senador Migz Zubiri at Koko Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?