13

Jan 4, 2021 @ 12:32
By

Angara: Children’s hospital dinagdagan ng P900M pondo

Nakakuha ng dagdag na pondo ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa ilalim ng 2021 national budget para mabigyan ng kalidad na medical care ang mga kabataan, ayon kay Senador Sonny Angara.
Sabi ni Angara, chairman ng Senate finance committee, umabot sa P900 milyon ang nadagdag sa pondo ng PCMC, na gagamitin sa pambili ng mga hospital equipment, kontruksiyon ng pediatric rehabilitation center at tulong sa mga mahihirap na pasyente.
“The PCMC plays a very important role in providing high quality medical care to Filipino children. We want to ensure that PCMC will be able to continue its mandate and serve even more patients, especially during these very challenging times,” pahayag ni Angara sa isang statement.
Dahil sa dagdag na alokasyon, ang mga batang may kanser ay libre na sa chemotherapy at maraming pang mga bata ang maisasailalim sa heart surgery sa taonh ito.
“Children who require heart surgeries are brought to the specialty hospitals, including the Heart Center. They would typically have to be put on queue because of the sheer number of patients who need to be operated on,” sabi ng senador.
“The PCMC has the capability of performing these heart surgeries on the children who need it right away and shorten the waiting time for a lot of patients. This could mean life or death for many children,” dagdag pa nito.
Sa konstrukisyon na pediatric rehabilitation center, magreresulta naman ito sa mas maganda pang serbisyo sa malaking bilang ng mga batang pasyente na nakakaranas ng iba’t ibang sakit.
Ang pediatrict rehabilitation ay isa sa mga pangunahing serbisyo ibinibigay ng PCMC at saklaw nito ang mga kondisyon kabilang ang neurologic disorders, spinal cord injuries at musculoskeletal condition na nakaapekto sa growth at development ng mga bata.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magtapos ang taon ang P4.5 trilyong national budget para sa 2021.
Isa sa mahalagang probisyon sa budget ay ang P72.3 bilyong alokasyon para sa vaccination program laban sa COVID-19.
Sa naturang pondo, P2.5 bilyon ang nakalagak sa pondo ng Department of Health (DOH) habang ang malaking bahagi ay kukunin sa unprogrammed appropriations

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?