363

Jun 26, 2022 @ 16:42
By

Ang sweet! Ruffa, Herbert sabay kumanta ng ‘Maybe This Time’

Ipinakita ni Riva Quenery ang sabay na pag-awit ng rumored couple na sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista.

Sa Instagram story, ibinahagi ni Riva ang video kung saan nag-duet ang dalawa sa kantang “Maybe This Time.”

Makikita pang napapagitnaan si Riva ng dalawa. Aniya, siya umano ang “third wheel” nina Ruffa at Herbert.

“Third wheel opo. Maybe this time? @iloveruffa HAHAHAHAHAHAHA,” sey ni Riva.

Ni-repost naman ito ni Ruffa sa kanyang IG story at naglagay ng “LOL” sticker.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?