30,757

Jul 10, 2019 @ 16:10

Ang Sanggano! Ang Probinsyano 1st nominee Alfred Delos Santos nanapak ng service crew

Huli sa akto ng panununtok si ‘Ang Probinsyano’ first nominee Alfred delos Santos sa loob ng isang restaurant, base sa kuha ng CCTV.

Sa video na nakuha ng Abante, nakita na nagkaroon ng masinsinang usapan si delos Santos at isang service crew sa restaurant sa Legazpi City, Albay.

Makikita na biglang tumayo ang kongresista, na nakasuot ng itim, sabay sinapak ang mukha ng service crew dahilan para matanggal ang suot nitong sombrero.

Sa time stamp ng kuha sa CCTV, makikita na naganap ito noong Linggo, Hulyo 7, bandang alas-8:52 ng umaga.

Ayon sa source ng Abante, nagkainitan umano si delos Santos at ang crew matapos na hindi nito makilala na kongresista ang Ang Probinsyano 1st nominee.

Nagpa-blotter umano ang empleyado ng restaurant ngunit sinabihan ng awtoridad na kongresista ang binabangga nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?