867

Jul 5, 2018 @ 10:00

‘Ang Probinsyano’ tuloy-tuloy ang taping

Finally ay naglabas na ng statement ang ABS-CBN tungkol sa balitang magtatapos na ang teleserye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Matunog nga ang bulung-bulungan na magtatapos na ang teleseryeng ito ni Coco Martin, dahil na rin sa kuwento na dalawang teleserye nga ang magkasabay na ginagawa ngayon, na posibleng ipalit daw sa Ang Probinsyano.

Ito nga ay ang teleserye nina Angel Locsin, Maricel Soriano, na The General’s Daughter, at ang Starla ni Judy Ann Santos.

Ang Starla nga ang hinihinala nila na puwedeng ipalit sa Ang Probinsyano, dahil ang reyna nga lang daw ng teleserye na si Juday ang puwedeng humalili sa trono ng Hari ng Primetime.

Pero sabi nga ng source ko na taga-Dreamscape, wala pang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang Ang Probinsyano. Unang-una, ang dalawang teleserye nga raw na ginagawa ngayon ay wala pa ring timeslot.

“Ganun naman sa ABS CBN, naglalabas lang ng timeslot a week before na ieere na ang teleserye. So, wala talagang nakakaalam.

“Sa ngayon, tuloy-tuloy lang ang taping ng Ang Probinsyano. Wala pang pinag-uusapan kung hanggang kailan ito aabutin sa ere,” sabi pa ng aming source.

Anyway, sa Setyembre nga ay magta-tatlong taon na ang Ang Probinsyano, at sabi nga, hindi na masama kung tapusin na ito, dahil mahaba na rin ang inabot ng kuwentong ito ni Cardo Dalisay.

Anyway, narito ang statement ng ABS-CBN tungkol sa Ang Probinsyano:

“Walang katotohanan sa haka-hakang nakatakda nang magtapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano.” Patuloy na nae-enjoy ni Coco Martin at ng mga writer ng programa ang pagbuo ng mga bagong ideyang magdadag ng aliw, aksyon, at aral sa kwento nito, pati na ang pakikipagtulungan nila sa buong cast at production team. “Nananatili ring top-rater ang “FPJAP” gabi-gabi, at maaasahan ng ating mga Kapamilya na magpapakilala pa ito ng mga bagong kwento at karakter sa pagpasok ng serye sa ikatlong taon nito.” — Kane Errol Choa (Head, Integrated Corporate Communications).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?