377

By

‘Ang Probinsyano’ star Coco Martin nag-sorry sa PNP?

Sharing is caring!

Naging makahulugan ang Instagram post ni Coco Martin kasunod ng balita na tila asar si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa kanyang show na ‘Ang Probinsyano’.

Naka-print screen ang disclaimer ng ‘Ang Probinsyano’ na “ang mga pangalan, karakter, at mga insidente sa programang ito ay kathang-isip lamang at hindi nagpapakita ng mga totoong tao, organisasyon, lugar o kaganapan, anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay di sinasadya.”

At nakalagay pa sa caption na: Pasensya na po!

View this post on Instagram

Pasensya na po!

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Matatandaan na sinabi ni Albayalde na nag-iiba umano ang tingin ng publiko na tila nagiging masama na.

“It’s very disturbing and para kasing ang nakikita ng mga tao na parang instant yung justice, parang it’s okay. It’s not. We are a nation of laws not of men,” pakli ni Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?