6,438

Feb 10, 2020 @ 22:06
By

Ang Probinsyano, Lizquen serye sobrang delay! TV Patrol nag-OT para sa ABS-CBN franchise renewal

Trending ang TV Patrol matapos na mag-overtime dahil sa pag-ere ng ads kung saan pinakita ang mga natulungan ng ABS-CBN network.

Ito’y kasunod ng paghahain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida para mabasura ang prangkisa ng Kapamilya network na mapapaso na sa March 30, 2020.

Ayon sa mga netizen, ang halos buong episode ng TV Patrol sa kanilang February 10 airing ay tungkol sa kanilang franchise renewal, na nanganganib na mawala sa ere dahil na rin sa bukas na paghayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pigilan ang pag-renew ng kanilang prangkisa at ibenta na lamang umano ito ng mga Lopez.

Bandang alas-8:18 na ng gabi natapos ang TV Patrol, kaya naman naurong ang ibang mga show ng ABS-CBN tulad ng Ang Probinsyano at Make It With You.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?