855
‘Ang Probinsyano’ hindi pa rin matinag sa ratings
Mar 29, 2019 @ 21:34
By

‘Ang Probinsyano’ hindi pa rin matinag sa ratings

Dahil sa sunod-sunod na pagkatsugi ng mga karakter sa “FPJ’s Ang Probinsyano”, natamo nito ang record-high ng viewership ngayong taon.

Nakapagtala ng nationwide rating na 46.8% ang March 28 episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na sumentro sa tagisan ng Vendetta at ng puwersa ni President Cabrera, batay sa Kantar Media.

Halos natriple nito ang viewership na nakuha ng kalabang teleserye na “Kara Mia” na nagtala lang ng 15.3% sa kaparehong panahon.

Hindi pa rin nabasag ang all-time highest rating ng “Ang Probinsyano” na 47.2% noong October 4, 2018 episode.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?