1,801

By

‘Ang Probinsyano’ hanggang 2045? Ilang netizen ‘di natuwa

Ang simpleng biro ni Cardo Dalisay, sineryoso ng ilang netizen.

Sa Instagram post ni Coco Martin, ibinahagi nito ang kanyang larawang pinatanda ng photo filter ng FaceApp.

Ngunit ang nakapukaw sa atensyon ng madla ay ang caption nito na may hashtag na #year2045 at #EpisodeOneMillion.

Marami rin ang natuwa sa biro ni Coco, ngunit ang ilan ay sinasabing dapat nang tapusin ang serye.

“Utang na loob…. Wag naman,” samo ni hey.itsmeee.

“WTF, pahinga naman kayu. Nakakasuka na,” sey naman ni Jeanettealarde.

Mag-aapat na taon na sa ere ang Kapamilya serye, nagsimula pa noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?