25

Sep 28, 2020 @ 18:17
By

‘Ang Probinsyano’, 5 taon na!

Nagdiriwang ng ika-5 taong anibersaryo ang patok na action drama series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Pinagbibidahan ito ni Coco Martin bilang Cardo Dalisay.

Unang umere ang action-serye noong Setyembre 28, 2015.

Sa Instagram post, binati ng production company na Dreamscape ang anibersaryo ng “Ang Probinsyano”.

“Sama sama pa rin nating haharapin kahit ano pang pagsubok ang dumating. Happy Anniversary, mga Ka Probinsyano!” mensahe ng Dreamscape.

Noong nakaraang linggo ipinakilala ang bagong karakter sa serye na si Macoy (Seth Fedelin).

Mula Lunes hanggang Biyernes napapanood ang “Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo at iWantTFC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?