9

By

‘Ang Larawan’ tampok si Paulo Avelino, humamig ng awards sa Taiwan

Sharing is caring!

Wagi ng dalawang award ang ‘Larawan’ movie sa 58th Asia-Pacific Film Festival na ginanap sa Taipei, Taiwan kamakailan.

Nakamit nila ang Best Music Score kung saan si Maestro Ryan Cayabyab ang may gawa at Best Art Design para kay Gino Gonzales. Nominado rin sa dalawang kategorya ang pelikula – Best Costume at Independent Spirits.

Ayon kay Maestro Ryan, unexpected, at masaya siya.

Masayang-masaya ang producer-singer-actress na si Celeste Legaspi sa natanggap na dalawang award.

“I am tickled pink… and to be honored in an international film fest,” lahad niya.

Dugtong pa ni Ms. Celeste: “I am glad this award focuses on how vital music scoring can be.”

Ang musical movie ‘Larawan’ ay pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at Joana Ampil.

Iniaalay ng team ‘Larawan’ ang dalawang award na nakamit sa National Artists na si Nick Joaquin, ang nag-sulat ng play at Rolando Tino na nagsulat ng libreto ng musikal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?