85

Dec 27, 2017 @ 14:16
By

‘Ang Larawan’ naghimala sa 2nd day ng MMFF

Nabawasan man ang mga sinehan ng ‘Ang Larawan’ sa pangalawang araw ng Metro Manila Film Festival, nagpapasalamat pa rin ang producer na si Girlie Rodis sa mga feedback at positive comment na natatanggap niya.

“We lost almost a third of our theaters on the 1st day but miraculously we are getting more people per theater on the 2nd day.

“And oh my God the tweets the posts on all social media platforms have just been pure music to our ears. We have heard of theater crowds just spontaneously applauding at the end of the screening as if in a live theater.

“We are full of gratitude at reading posts of people who have gone to different cinemas with different sets of friends just to help keep us in the theaters. Your appreciation of our journey and our work fills our collective hearts with pure joy. Maraming-maraming salamat po!” ang pahayag ni Girlie, ang presidente ng Culturtain Musicat Productions, ang producer ng ‘Ang Larawan’.

Ibinalita ni Girlie na may English subtitles ang pelikula nila kaya maiintindihan ito ng mga hindi marunong magsalita ng Tagalog.

Ginamit din ng isang karakter sa dialogue nito sa ‘Ang Larawan’ ang imbyerna na mula sa Spanish word na invernar na hibernate ang English translation kaya malinaw na hindi gay lingo ang naturang salita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?