ang-larawan
By

‘Ang Larawan’ hindi kulelat sa MMFF

Sharing is caring!

Inusisa namin si Leo Dominguez tungkol sa isa pa niyang talent na si Paulo Avelino. Tinanong namin si Leo kung ano ang reaction ni Paulo sa sobrang papuri rito ni Lea Salonga dahil sa pelikulang ‘Ang Larawan’ na kasali sa Metro Manila Film Festival 2017.

Nasa bakasyon pa raw si Paulo, pero hindi sure si Leo kung nasa Baguio City ang actor.

Anyway, malapit na ang press launch ng ‘Asintado’ ng ABS-CBN kung saan sila ni Julia Montes ang bida, kaya siguradong magpapakita na si Paulo.

Samantala, puwedeng mag-dialogue si Paulo at ang ibang mga kasama sa ‘Ang Larawan’ na mali ang hula ng marami na sila ang mangungulelat sa MMFF 2017 dahil balitang pang-5th na sila ngayon dahil lumakas na nga sila sa box-office at nadagdagan na ang kanilang mga sinehan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?