98

Dec 22, 2017 @ 17:30
By

Ang, hari ng Asian Karting Open

Dinomina ni Jacob Ang ang Asian Karting Open Championship sa Kartodrome de Coloane Circuit sa Macau kamakailan nang tuhugin ang overall crowns sa Formula 125 Sr. Open at X30 SR classes.

Nagsalansan si Ang ng 142 points pagkatapos ng four legs sa Macau (June 10-11), Pilipinas (Aug. 26-27), Thailand (Nov. 2-4) at Macau (Dec. 9-10) para sikwatin ang titulo ng Formula 125 class. Malayo sa kanyang likuran sina John Dizon (69 points) at Haopeng Zhang ng China (67).

Inari din iya ang X30 SR class sa overall 137 points pagkatapos ng four legs, inungusan ang mga kapwa-Filipinos na sina Mike Jordan (70) at Dizon (68). Ang kampanya ni Ang ay binak-apan ng San Miguel Corporation at Eagle Cement.

Sa Macau leg, second runner-up si Ang kina champion Eshan Pieris at Rocye Yu sa X30 class, at first runner-up kay Royce Yu sa Formula 125 Sr. Open.

Ang iba pang overall winners ay sina Eduardo Coseteng (Formula 125 Jr. Open at X30 Jr), Zach David (Minirok) at Leung Pui Chiu (Formula 125 Veteran Open).(Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?