546

By

Ang gwapo raw! Gender-swapped picture ni Maine pinagkaguluhan

Isa sa sumubok sa trending ngayong multimedia app na “gender swap” si “Daddy’s Gurl” star Maine Mendoza.

Sa “gender swap” ng Snapchat, maaaring maglitrato ka ng iyong sarili o mag-video kung saan lalabas ang lalaking bersiyon mo.

Nakahakot agad ng mahigit 14,000 likes at 2,000 retweets ang post ni Maine ng kaniyang “male version”.

Karamihan sa kanila ay nagsabi na ang gwapo ni Menggay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?