47

Aug 11, 2019 @ 12:20
By

Andy Murray, balik-kompetisyon na matapos maoperahan

Matapos magpagaling sa operasyon sa kanyang balakang, ready na uling sumabak ang three-time Grand Slam champion na si Andy Murray sa singles competition sa susunod na linggo sa ATP Cincinnati Masters.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng British star ang kanyang picture na may caption na: “That feeling when you accept a wildcard for the singles in Cinci… #LetsDoThis #HereWeGo.”

Ayon sa report ng AFP, tinanghal bilang kampeon si Murray sa Olympic Singles noong 2012 at 2016, nanalo rin siya ng Grand Slam title sa 2012 US Open sa Wimbledon noong 2013 at 2016. Ngunit bumagsak ang record ng 32-year-old Scotsman sa 325th sa world rankings matapos operahan noong Enero sa kanyang kanang balakang.

Muling magbabalik si Murray sa susunod na Linggo upang sumabak sa Cincinatti final major tuneup para sa US Open bilang unang laban nito mula noong naoperahan ang sikat na manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?