51

Oct 6, 2021 @ 19:22
By

Andrew E proud sa sexy-comedy films: ‘Natu-turn on sila’

Wapakels si Andrew E sa mga nagsasabing panay kabastusan lang ang masasaksihan sa kanyang mga sexy-comedy film.

Ito ay kaugnay ng muling pagbabalik ng rapper-actor sa eksena ng sexy-comedy film sa pelikulang ‘Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan’ na ipapalabas sa Oktubre 8 sa Vivamax.

Ayon kay Andrew E, malaya ang publiko na sabihin ang gusto nila sa kanyang mga pelikula, ngunit sa tingin niya ay may bunga pa itong maganda sa mga nanonood.

“Pero ako, naniniwala na hindi naman sila nababastusan sa mga sexy-comedy films na ginagawa ko. In fact, nate-turn-on pa nga sila sa akin,” wika ng rapper.

“Number one, may malaking bidang salita na na-create noong pandemic, and that is boredom. Dahil na-restrict ang lahat ng galaw ng mga tao, so boredom ang na-create, na parang pinaka-scenario sa lahat, kundi man sa kara-mihan,” dugtong pa niya.

“Kaya sa boredom na ‘yun, naghanap ng flavoring ang mga tao kung paano sila mai-entertain kahit nasa bahay sila. ‘Di ba, nauso at lumakas ‘yung Netflix? Sa ibang bansa naman, ‘yung iba-ibang mga streaming,” wika pa niya.

Makakasama ni Andrew E sa ‘Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan’ sina AJ Raval at Sunshine Guimary.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: