212
views

Andrew Bogut sa Gilas Pilipinas: Disgrace, disgusting!

Sharing is caring!

Hindi makapaniwala ang dating Australian national team player at NBA veteran na si Andrew Bogut sa nangyaring rambol sa Fiba World Cup qualifier sa pagitan ng Australia at Pilipinas sa Philippine Arena noong Lunes ng gabi.

“MAN WTF!!! Disgusting. DISGRACE. Absolute Disgrace,” reaksiyon ng 33 anyos na si Bogut sa kanyang Twitter account.

Lalong pang nadismaya si Bogut nang makita si dating Gilas player na si Marc Pingris na nakipag-selfie kina Terrence Romeo at Japeth Aguilar matapos ang kaguluhan.

“Blokes taking a team selfie after all that. Down 31. Yep. They really just took a team selfie,” sabi pa ni Bogut.

Lamang ang 31 puntos ang Boomers, 79-48, 4:01 sa third period nang mangyari ang rambol.

Siyam na players ng Gilas ang napatalsik sa laban habang apat lamang sa Australian team.

Kahit kulang ng players ang Gilas, tuloy pa rin ang laban. Itinigil lamang ang laro nang ma-fouled out na si June Mar Fajardo at Gabe Norwood.

Inaasahan namang magpapataw ng disciplinary action at multa ang FIBA laban sa dalawag koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?