23

Dec 2, 2020 @ 17:56
By

Andres Bonifacio ‘di basagulero – apo

Itinama ng isang kadugo ni Andres Bonifacio ang maling pananaw tungkol sa bayani na isa itong basagulero.

“Tandaan po natin si Andres Bonifacio ay hindi naman talagang likas na basagulero, lagi na lang sinasabi basagulero, mainitin ang ulo. Pero kapag tiningnan po natin ang mga dokumento, ‘yung mga sulatin sa Archivo General Militar de Madrid makikita natin doon na malawak ang iniwang kultura nina Andres Bonifacio sa Katipunan,” ani Atty. Gary Bonifacio, apo ni Procopio, kapatid ni Gat Andres.

“‘Yung lahat po ng mga sulating ‘yun nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Julio Nakpil, si Gregoria de Jesus pare-parehas at hindi nagkakaiba ang kanilang konsepto na kapag ikaw… pag sumali sa Katipunan dapat malinis ang iyong kalooban,” dagdag niya.

Aniya, may ginawang Aral ng Kartilya ng Katipunan kung saan nakapaloob ang mga gabay na dapat sundin ng mga anak ng bayan at itinuturo iyon sa lahat ng miyembro ng Katipunan.

Dagdag niya, taong 1992 lang nagkausap-usap ang mga kamag-anak ni Andres Bonifacio matapos maghiwala-hiwalay nang mamatay ang bayani.

Ang iba ay nagpalit ng apelyido habang ang iba ay nagtago.

Panahon daw iyon ng digmaan kaya nakaramdam ng takot ang mga kamag-anak ni Gat Andres kaya minabuti na magtago muna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?