52

Feb 26, 2021 @ 20:47
By

Andrea Torres yakang-yaka umubos ng buong crispy pata

Tuwing walang taping si Andrea Torres ay tini-treat daw niya ang kanyang sarili ng kanyang paboritong pagkain matapos ang ilang araw na pagda-diet.

Sa “24 Oras” report ni Lhar Santiago, inamin ng aktres na sa kabila ng fit niyang body ay kayang-kaya niyang umubos ng isang order ng crispy pata.

“Tuwing rest day Tito Lhar, lagi akong nag-o-order ng crispy pata at nauubos ko ‘yun mag-isa,” sambit niya sabay tawa.

Maging ang mga kasama niya raw sa teleserye na “Legal Wives” ay nagugulat na lumalantak siya ng crispy pata at pata tim sa kanilang lock-in taping.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?