46

Jun 16, 2021 @ 15:42
By

Andrea Torres sabik kay John Lloyd

Inamin ni Kapuso actress Andrea Torres nitong Miyerkoles na isa siyang fan ni John Lloyd Cruz.

“I’m a John Lloyd fan,” wika ni Andrea. “I’ve watched a lot of his movies, so let’s see.”

Ito ang pahayag ni Andrea matapos tanungin kung ano ang kanyang nararamdaman sa posibilidad na makasama si John Lloyd sa isang sitcom.

“Sobrang natutuwa ako kasi never din ako nakagawa ng sitcom. I’m sure magiging fun ‘yun,” pahayag ni Andrea.

Kamakailan lamang ay inanunsyo ng TV Host na si Willie Revillame ang planong siya, si John Lloyd at si Andrea ay magsama sa isang sitcom.

Kakabalik lamang ni John Lloyd sa showbiz matapos ang apat na taong pamamahinga sa industriya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?