437

Dec 22, 2017 @ 12:32
By

Andrea Torres nagpasalamat sa write-up ng Abante, Tonite

Sa halip na mag-react at magreklamo nagpasalamat pa sa si Andrea Torres sa aming panulat sa Abante tungkol sa lumabas nyang sexy photo sa Instagram wall nya para ipakita ang pagiging calendar pin-up model nya ng energy drink na Cobra.

Nag-direct message sa amin si Andrea sa Instagram account namin, ganundin sa aming editor na si Dondon para lang magpasalamat sa importansyang ibinigay namin sa kanya.

@andreatorres, “Hi po! Good afternoon! Gusto ko lang pong magpasalamat sa article nyo po sa Cobra calendar ko. Nabasa ko po kasi. Hehe. Salamat po ng marami sa mga magagandang salita. Merry Christmas and God Bless You More”.

Sa aming panulat diniscribe namin ang itsura ni Andrea sa pagkakahiga nya sa rubberboat habang naka-two piece swimsuit.

Isinalarawan namin siya bilang isang seksing babae at kanasa-nasa sa mga mata nang mga kalalakihang nagi-ilusyon sa kanyang alindog.

Binangit pa naminang kanyang mga boobs at isinulat na totoo ito, at masarap dampian ng mga ulo ng mga lalake para lang magpa-bebe moment.

Hindi nilagyan nang malisya ni Andrea ang pagsasalarawan namin ng kanyang kaseksihan. Tinignan ito ng Kapuso actress bilang isang papuri o compliment sa kanya.

Pinatunayan lang ni Andrea ang pagiging isa nyang intelihenteng babae na hindi makitid ang isip sa kung paano sya tinignan nang kanyang mga following sa social media.

Muli, kung ayaw mahusgahan nang sinuman ang anumang pinoste nila sa kanilang socmed account, mag-isip muna sa kanilang mga gusto nilang ipost. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?