187

By

Andrea Torres nabibigatan na sa boobs niya

Sharing is caring!

Hindi marunong magkimkim ng galit ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres kaya kung sino raw ang taong nagkasala sa kanya ay mabilis daw niyang pinapatawad. Mas mabuti na raw ‘yung mag-forgive kesa magtanim ng galit sa iyong kapwa.

“Mas gusto ni Lord na nagpapatawad tayo, ‘di ba? At saka ako naman, ayokong may dinadalang mabigat sa dibdib ko. Tama na itong mga dibdib ko, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Andrea.

Ayaw daw tapusin ni Andrea ang taong 2017 na may galit siya sa kapwa niya. Kahit na raw ‘di sila humingi ng sorry sa kanya, pinapatawad daw niya ang mga ito.

“Hindi ko naman hinihintay na mag-sorry sila sa akin. Hindi na nila kailangan gawin iyon. Kaya ano pa man ang naging kasalanan nila sa akin, I’ve already forgiven them,” ngiti pa ni Andrea.

Sa 2018 ay ang pagbiyahe sa apat na bansa ang gustong gawin ni Andrea.

Lahat daw ng mga kinita niya sa kanyang mga shows ay inipon niya para maging bongga ang pagbiyahe niya.

“Four countries ang gusto kong puntahan next year. Australia, Guam, Maldives at Japan. Mahilig kasi ako sa beach kaya destination ko ang Australia, Guam at Maldives dahil sa magagandang beaches nila. Sarap mag-pose doon na naka-bikini at i-post sa social media.

“Sa Japan naman, naka-schedule ako doon for Halloween. Nakikita ko kasi sa post ng ibang friends ko sa Instagram na ang gandang mag-Halloween doon. Ang cute ng mga costumes nila. Feel kong sumali at i-post sa IG Stories!”

Si Andrea ang third party sa Vic Sotto-Dawn Zulueta team-up sa Metro Manila Film Festival official entry na ‘Meant To Beh’. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?