By

Andrea Torres kontrolado pa ang pagpapa-sexy

Sharing is caring!

Tanggap ni Andrea Torres na mabansagang “pantasya” ng mga kalalakihan pero huwag naman raw sabihing malaki ang kontribusyon kung bakit nagkakasala sa kanilang mga tingin ang mga humahanga sa kanyang kaseksihan.

Hindi naman kasi maiwasang hindi pagnasaan si Andrea dahil talaga namang pamatay ang alindog at kaseksihan nito.

Mauulol ang mga lalake sa materyales-puertes na katawan nang nasabing Kapuso girl.

Sabi ni Andrea, may limitasyon at kontrolado pa niya ang kanyang pagpapa-sexy. Hindi naman siya gumagawa nang kahit na ano na maglalagay sa kahihiyan ang kanyang buong pamilya.

Nang magsimula siyang magpa-sexy pinanindigan na lang raw niya, at para raw sa trabaho.

Patuloy pa niya, twenty-seven years old na siya kaya legal naman na siyang magpa-sexy na hindi bastusin sa paningin ng marami.

Medyo nawindang lang si Andrea nang makalkal namin sa kanya ang tungkol sa isyung nagkaroon siya ng indecent proposal ilang taon na ang nakakaraan.

Alinlangang i-detalye ni Andrea ang tungkol sa indecent proposal na ito kung saan inalukan siya nang bahay, kotse, at mag-abroad.

Lahat nang ito ay dinedma na lang niya. Sa pakiramdam niya na-offend raw siya ng mga kung sinuman ang mga ito sa kanilang indecent proposal.

Gusto nang kalimutan ni Andrea ang tungkol dito kaya pakiusap nito sa amin huwag na namin siyang pakuwentuhin sa detalye nito.

Anyways, sexy role pa rin naman ang gagampanan ni Andrea sa MMFF2017 movie entry na “Meant To Beh” kung saan magiging love interest niya si Vic Sotto.

Ang pagkakaiba nga lang sa iba niyang ginawang acting project partikular na sa TV series, comedy naman ang peg nya dito.

Ang iba pang kasama sa movie ay sina Dawn Zulueta, Gabbi Garcia, JC Santos, Baste, Ruru Madrid, Daniel Matsunaga.  Sa direksyon ni Chris Martinez. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?