256

Dec 10, 2017 @ 14:25
By

Andrea, Rochelle nagpapasalamat sa friendship ni Max Collins

Walang kaduda-dudang malapot ang pagkakaibigan nina Andrea Torres, Rochelle Pangilinan at ang ikakasal na si Max Collins.

Isang mahabang photo caption ang pinoste ni Andrea sa kanyang Instagram account sa larawan nilang dalawa ni Maxx sa bachelorette party nito kamakailan lang.

Hinahalikan sa pisngi ni Andrea si Maxene sa larawan nila.

Sa message caption ni Andrea, ikinuwento na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa mga VTRS. Ang maliit na tsikahan nila ay nauwi sa mga kuwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga buhay..

@andreatorres,”and then it came to a point that whoever called first would give tips on how to go about the audition. We never treated each other like competition. I was truly happy when you got that part and I can also feel you sincerely congratulating me when it was my time.

“A few years after, we’re both in GMA and it just made so much sense why God made those encounters happen..

“How can you not feel blessed when you have someone from the business that you can call your sister? All the challenges we went through just proved to me that what we have is for keeps.

“Thank you for being a source of life in my life. You’ve always put things in the right perspective for me.

And the only way I can repay you is to always aim to make this happy. I promise to be that friend for you. I love you Maxximus!”

Mahigpit namang magkayakap sina Rochelle at Max sa black & white photo nila sa bachelorette party ng huli.

@rochellepangilinan, “hindi maitatago na kilala na nga natin ang isa’t-isa, maraming pagsubok na ating pinagdaanan, nalagpasan pa din natin..

“haaay…ilang buwan lang ang nakaraan, kinasal ako, ngayon naman ikaw. Pinasasalamatan ko talag si God na ibinigay ka nya sa kin na kaibigan, wala akong maisusukli at mairegalo sa kabaitan mo sa kin kundi ang habang buhay na mainit na yakap at suporta, mahal kita mars ma. Ilang araw na lang at big day na!!”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?