46

Jan 6, 2022 @ 15:41
By

Andrea pinakasikat na celebrity sa TikTok

Nanguna si Andrea Brillantes bilang “most followed Pinay celebrity” sa TikTok para sa taong 2021.

Sa ngayon, mayroong 15.6 milyong followers at 140.2 milyong likes ang aktres sa kaniyang TikTok account.

Sumikat ang aktres sa nasabing app dahil sa mga pagsunod nito sa mga dance cover.

Unang nakilala si Andrea sa pinagbidahan niyang teleserye na “Annaliza” at lalo pa itong sumikat matapos niyang gumanap bilang Marga Bartolome sa “Kadenang Ginto.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?