427

By

Andrea nakakatakot ang irap, titig kay Francine

Magkasamang kikinang tuwing hapon ang mga bagong talento at mga bagong mukhang bibida sa ‘Kadenang Ginto,’ tampok ang rising teen stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Sampung taong gulang pa lamang ay bumida na sa kanyang unang teleserye si Andrea na ‘Annaliza,’ kung saan napansin ang taglay niyang galing sa pag-arte.

Baguhan naman sa industriya si Francine ngunit nagpakitang gilas na bilang batang Erich Gonzales sa ‘Be My Lady’ at batang Kim Chiu sa ‘Ikaw Lang Ang Iibigin’.

Salpukan nga sa aktingan ang dapat na abangan sa ‘Kadenang Ginto’, kung saan gagampanan nina Andrea at Francine ang dalawang batang magkukumpitensya sa lahat ng bagay.

Gagampanan ni Andrea si Margaret, ang anak ni Daniela (Dimples Romana) na sanay na nakukuha ang luho at labis ang pagmamahal sa ina. Mapapanood naman si Francine bilang si Cassandra, na lumaking matulungin, mabait, at masunurin sa pangangalaga ng inang si Romina (Beauty Gonzalez).

Sa pagtira nilang lahat sa bahay ni Robert (Albert Martinez) – ang ama ni Daniela at ang asawa naman ni Cassandra – iigting ang inggit ni Margaret kay Cassandra at susubuking agawin ang lahat mula dito, pati na ang atensyon at pagmamahal ni Robert.

Well sa teaser pa lang, kitang-kita na ang pagka-maldita ni Andrea kay Francine, ha! Sa mga titig at irap pa lang, winner na si Andrea. Sila na kaya ang mga bagong Judy Ann Santos at Gladys Reyes? Abangan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?