212

May 9, 2021 @ 9:24

Andrea nagulantang sa datung ni Vicki Belo

Napanganga si Andrea Brillantes nang makita ang limpak na pera sa loob ng wallet ni Dr. Vicki Belo.

Sa Youtube video ni Dr. Vicki, nakasama niya ang child actress kung saan hinayaan niya ito na buksan ang kanyang bag.

Nagpaalam si Andrea kung puwedeng buksan ang wallet ng celebrity doctor, at dito niya nakita ang makapal na libo-libong pera ni Belo.

“Wala daw laman. Ang dami pong laman doktora. Ito po ba ‘yung walang laman para sa inyo?” sey ni Andrea.

Biro pa ng Kapamilya actress, budget na umano nila para sa isang buwan ang nasa wallet ng doktora.

“Ako nga po dati walang wallet kasi walang laman talaga. So ‘di na lang ako nag-wallet, kasi wala naman pera eh. Pero ngayon meron na, 18 na ako,” ayon pa kay Andrea.

Nang tanungin naman ni Andrea si Dr. Vicki kung anong ginagawa niya sa pera, paliwanag ng doktora na insecure lang siya kapag wala siyang pera.

“Wala insecure lang talaga ako ‘pag wala akong pera. Kaya kailangan lagi akong may pera,” sambit ni Belo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?