776

Nov 16, 2021 @ 15:35
By

Andrea, Kylie hahanap ng true love sa dating app

Game sina Kylie Padilla at Andrea Torres na gumamit ng mga dating site para makahanap ng pag-ibig.

Ani Andrea, hindi pa niya nasubukan ito pero wala siyang nakikitang masama dahil marami siyang naririnig na happy story ng mga tao na nagkakilala lang sa mga online dating site pero masaya ang pagsasama ngayon.

“A lot of single people turn to dating sites to find love,” sey ni Andrea.

“While I haven’t tried it, I don’t see anything wrong with it. I heard a lot of happy stories of people who met and fell in love via dating apps. Their relationships seem to work because they already have families now,” patuloy niya.

Gayundin daw ang ka-loveteam ni Andrea sa GL series na “BetCin” na si Kylie.

“I share the same sentiments. I’ve never tried one but I have a lot of friends who met their soul mates or partners online,” sambit ng aktres.

Kapwa single na sina Andre at Kylie matapos ang hiwalayan kina Derek Ramsay at Aljur Abrenica. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?