115

Sep 9, 2019 @ 14:39
By

Andrea hinahanap ng mga OFW sa Malaysia

Dreams do come true.

Hence, hindi mapipigilan ang dreamer na si Gawad Amerika Awardee and Brilliant Skin Essentials (BSE) CEO Glenda Victorio dahil isa na naman sa kanyang bucket list ang natupad when she invaded Malaysia.

“Sa totoo lang, ang isa sa mga unang bansa na yumakap sa Brilliant Skin Essentials ay ang Malaysia. Nu’ng madiskubre ito, parang tsismis na agad itong kumalat sa buong bansa hanggang sa naging usap-usapan na ang ginagawang charm and unperturbed smoothness sa facial skin ng ating produkto,” sey ni Madam Glenda.

“Nobody but only you have to believe in your dreams to turn them into a reality,” dagdag niya.

“Sa totoo lang, sobra akong thankful lalo na sa mga kababayan natin na walang sawa na sumusuporta sa ating product. Sobra akong nao-overwhelmed dahil hindi ko talaga ina-akala na ganito ka-init ang magiging response ng mga taga-Malaysia.”

Kamakailan, ni-launch ng BSE ang pinakabago nitong endorser Andrea Brillantes sa isang full-packed media event sa SMX MOA. And as expected, hinahanap siya ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Malaysia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?