142

By

Andrea handa sa pamba-bash ng mga fan ni Alden

Sharing is caring!

Ang sexy Kapuso actress na si Andrea Torres ang isa sa dalawang leading lady ni Pambansang Bae Alden Richards sa telefantasya na ‘Victor Magtanggol’. Pinakita na nga si Andrea in full costume bilang ang Norse goddess na si Sif na siyang magiging guide ni Victor sa mga magiging laban nito sa lupa.

Hindi rin nagpahuli si Andrea dahil sasabak din siya sa maraming action scene kaya naman nag-training din siya ng parkour. Bilib nga raw si Andrea kay Alden dahil ang laki na raw ng pinagbago nito para sa pagganap niya sa lead role sa ‘Victor Magtanggol’.

Hindi na raw magiging bago kay Andrea kung ma-bash siya dahil isa siya sa leading ladies ni Alden. Pero immune na raw si Andrea sa pamba-bash sa kanya sa social media.

“Kaya ko na pong i-handle ang mga ganyan. The best way to approach ang ganyang situation ay dedma na lang.

“They can say whatever they want, pero wala silang makukuha from me. Mas importante po ang trabaho ko kesa sa bigyan ko ng atensyon ang mga bashers,” pagtapos pa ni Andrea Torres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?