436

Feb 16, 2020 @ 15:16
By

Andrea gusto ng maraming anak kay Derek

Posibleng umuwi sa kasalan ang relasyon nina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Paano kasi’y nauuwi na sa pagkakaroon ng anak ang usapan ng dalawa, na umamin sa kanilang relasyon noong nakaraang taon lang.

Sa bagong vlog ng dalawa, sumagot sa tanong sa fish bowl si Andrea matapos na mapulot niya ang tanong kung anong nais niyang mabuong memories sa pagitan nila ni Derek sa hinaharap.

Ayon kay Andrea ay nais niyang magkaroon ng maraming anak sa Kapuso actor.

“Nako marami. Lagi kong sinasabi sa kanya, gusto ko maraming kids, gusto ko maraming kids. Gusto ko mag-travel,” saad nito.

Panuorin ang buong Youtube video ng dalawa para sa dagdag-kilig matapos ang Valentines’ Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?