58

Nov 17, 2020 @ 12:03
By

Andrea, Derek hiwalay na?

Nag-break na ba ang showbiz couple na sina Andrea Torres at Derek Ramsay?

Ito ang tanong ng mga mapanuring netizen na natuklasang in-unfollow na ng aktres ang Instagram account ng aktor.

Burado na rin sa IG account ng dalawa ang mga larawan nilang magkasama.

Ito, isang buwan matapos nilang sabihin sa isang panayam na handa na silang lumagay sa tahimik.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ni Andrea o ni Derek hinggil sa isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?