158

Aug 21, 2018 @ 21:14
By

Andrea del Rosario, thankful sa pagdating ng blessings

Positibo ang mga social media post ng aktres/public servant na si Andrea del Rosario.

Sunod-sunod kasi ang mga dumarating na proyekto ngayon sa kanya.

Apat na pelikula ang either natapos na or ginagawa ngayon ni Andrea. Kabilang sa mga pelikulang ito ang Para sa Broken Hearted bilang mother ng isa sa bida ritong si Yassi Pressman. Gumaganap naman siyang wife ni Allan Paule para sa pelikulang Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Ang third movie ng dating Viva Hot Babe ay ang Ulan as the aunt of Nadine Lustre at ang fourth project naman niya ay ang Cristine Reyes starrer na Maria bilang wife ng isang politician.

Mayroon din siyang soap opera, pero hindi pa raw siya nagte-taping dito, kaya hindi muna namin ito isusulat.

Ipinahayag ng aktres ang pasasalamat sa mga blessings na nabanggit.

“I am thankful, kasi last year was a bad year in terms of personal, health, etcetera,” pahayag ni Ms. Andrea.

Last year, hindi kayo masyadong tumanggap ng offers sa showbiz?

Tugon ng Vice Mayor ng Calatagan, Batangas, “Yes, I was not in good spirit.
But now I am slowly getting back on my feet… I mean I am back on my feet.

“By choice, that I wasn’t busy last year… Because of health reasons, I had to go to the USA and stayed for months. I turned down shows and movies because of the travelling.”

Parang isa ito sa year na super-busy ang showbiz career mo Vice compare sa previous years?

“Thanks to Viva, they’ve been very supportive all thru out,” pakli ng aktres.

“Just blessed that mayroon pa ring dumarating na work, God is super good,” dagdag pa niya.

Baka may fifth movie pa na dumating sa iyo, bago matapos ang taon, Vice?

Nakatawang reaction niya, “Hahaha…..sana! I was suppose to do another one, but I was in America.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?