657

Oct 6, 2018 @ 12:05
By

Andrea del Rosario idol si Vilma Santos

Kaliwa’t kanan ang pelikula ngayon ni Andrea del Rosario.

Kabilang sa pelikulang kasali si Ms. Andrea ay sa ‘Para sa Broken Hearted’ starring Yassi Pressman, ‘Aurora’ na pinagbibidahan ni Anne Curtis, ‘Elise’, na tinatampukan ni Janine Gutierrez, ‘Ulan’ of Nadine Lustre, at ang Cristine Reyes starrer na ‘Maria’.

Pagdating naman sa kanyang political career, hindi niya ito pinababayaan at may sapat na panahon siya para sa mga constituents sa Calatagan, Batangas.

Si Batangas Rep. Vilma Santos ba ang peg niya pagdating sa kanyang political career?

Tugon niya, “There’s no peg, but I look up to her. I wish masundan ko yung yapak niya na, you know, she can jump from politics to showbiz. I don’t know how she does it but it seems to be working in her favor.

“Pero I respect now kung ano yung ginagawa niya, because ang hirap pala talaga. Mahirap, it’s hard to please everybody too,” nakangiting saad niya.

Nabanggit din ni Vice Mayor Andrea na si Ate Vi ang isa sa iniidolo niya, hindi lang sa showbiz kundi maging sa larangan ng politika.

“Si Ate Vi, she’s like the model of all, celebrities turned public servant, ‘di ba? Talagang she gave her heart and soul to it, she stopped her career, para sa public service.

“Si Ate Vi, nakakabilib na pumasok siya sa politika pero yung career niya hindi nagbago, isa pa rin siya sa top actress natin. I mean, at the end of the day, you know, yung na-achieve niya during her time, I don’t think anybody can ever match that, ‘di ba? Talagang she’s really made her name for herself.

“Successful siya as an actress and as a public servant. Siya yung epitome of a successful empowered woman. Talagang ano siya, talagang consistent, di ba? So yeah, matatawag kong idol siya in terms of ganoon.

“I worked with her sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? And at least, na-experience kong makatrabaho siya. Magaling talaga si Ate Vi,” sambit pa ni Vice Mayor Andrea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?