51

Nov 24, 2021 @ 21:36
By

Andrea Brillantes ngarag na

Ibang level daw ngayon ang nararamdamang pressure ni Andrea Brillantes.

Ito ay dahil sa latest TV series niyang “Saying Goodbye” kapareha si Seth Fedelin.

Sa sobrang pressure ni Andrea, gusto na niyang makuha ang script nito.

Parte ng paghahanda niya ang pagbabasa ng ilang libro at panonood ng pelikula na parehas ang plot sa “Saying Goodbye” gaya ng “The Fault in Our Stars” at “A Walk to Remember”.

Kaya naman, babaeng walang pahinga ang peg ngayon ni Andrea.

“Medyo wala halos kaming pahinga. Pero other than that, umaapaw pa rin ang saya na nararamdaman namin kaysa sa pagod na pagod na kami physically, mentally buong-buo kami, masaya kami, excited kami,” wika niya sa Inquirer report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?